Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Batang Nakatira sa Bundok Sinorpresa Ng Ilang Mababait na Pulis

“Higit sa Tawag ng Tungkulin”

A A A

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang kwento ng isang batang babae matapos siyang sorpresahin ng ilang mababait na pulis na napadaan lamang sa kanilang munting kubo.

Bagama’t nangyari ito noon pang Nobyembre 2019, nagtrending pa rin ito dahil marami ang natuwa sa kwento ng bata at humanga sa kabaitan ng mga pulis ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company RMFB1.

Ayon sa post ng “I Love PNP” sa kanilang Facebook page, sa liblib na lugar sa Ilocos Sur naninirahan ang pamilya ni Romelyn Siena at wala umanong sapat na pera ang kanyang mga magulang kaya hindi pa siya nakakain o nakapasok man lang sa Jolibee na isang kilalang fastfood restaurant.

Kwento ni Romelyn, natatakot siya at kinakabahan sa tuwing nakakakita siya ng pulis o sundalo.

Kaya naman binalikan ng ilang mababait na pulis ang bata para sorpresahin ito at nang sa ganun ay mabawasan ang takot at mapasaya ang paslit.

Batay sa mga kuhang litrato, makikitang akay-akay si Romelyn ng mga magigiting na pulis.
Habang binabaktas nila ang maputik, matarik…
At mahabang daan para makarating sa bayan…
Kasama ang kaniyang ama, dinala sila ng mga butihing pulis sa Jolibee.
Upang tuparin ang pangarap ng bata na makakain sa sikat na fastfood restaurant.

At bukod pa diyan, ipinasyal din sila at binilhan pa si Romelyn ng mga gamit tulad ng bagong sapatos, rain coat, rain boots, bag, at ilang damit.

At hinatid pa sila pauwi sa kanilang bahay.
Dala ang mga pasalubong para sa mga kaanak ng bata.

Dahil sa kabaitang pinakita ng mga pulis, bumuhos ng papuri at paghanga mula sa mga netizen ang comment section ng naturang post.

💝👮‍♂️👮‍♀️Higit sa Tawag ng Tungkulin👮‍♀️👮‍♂️💝 Isang bata na nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur na…

Posted by I Love PNP on Thursday, November 21, 2019

“Good job mga sir may pinasaya kayo isa bata na nangarap kumain sa jollibee at kau ang naging way para matupad ang pangarap niya,saludo po ako sa inyo mga sir..Godbless them all..” ayon kay Perly Anico Timoteo.

“May mga pulis na namumulis sa kapwa para mang lamang pero may mga pulis din na sadjang ayaw palamang sa kapwa…pero yung mga ganitong kapulisan karapatdapat sa hanay nang mga dakila at katapat dapat sa kanilang kasuotan..God bless mga sir..” ani Lee Mcnulty.

“Great job i salute mga sir sna marami pang katulad niyo na may mabubuting kalooban.God bless you more,” bati naman ni Merlyn Edano Lewis.

“Wow ganyan mga pulis extra effort sa mga tao nangangailangn ngtulong.hindi yun ktulad sa iba ay nko..good luck ninyo sir.mabuhay po kayo..God bless you all the time. At sa pamilya tinulungan ninyo din. mabuhay,” saad naman ni Jan Chag.

Good job mga sir!

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Mommies at Daddies, iwasang ipahawak ang cellphone sa mga chikiting!

Trending

Kahit mahina ang kita, hindi pumasok sa isipan ng pedicab driver na pag-interesan ang laman ng pouch.

Trending

Maraming ang natuwa sa ginawa ng mga pulis at patunay raw ito na marami pa rin ang matitino at mababait sa hanay ng PNP.

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"