Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Babae Sa Viral Video Noon Ni Cesar Montano, Nagpakilala Na

Kilalanin ang babaeng kasama ni Cesar Montano sa nag-viral niyang video greeting noon.

A A A

Nagpakilala na ang ‘di umano’y babaeng kasama ng aktor na si Cesar Montano sa nag-viral niyang video greeting para sa isang kagawad noong 2018.

Sa isang Facebook post nitong Septiyembre 26, 2020, inilabas ni Dolly Anne Carvajal, isang entertainment columnist, ang birthday greeting video sa kanya ni Cesar para sa kanyang kaarawan.

Nagmistula itong re-enactment sa pagbati ng aktor kay Barangay Kagawad Chris Morales ng Sta. Ana, Manila noong Oktobre 2018.

“Happy birthday Kagawad Chris Morales of Sta. Ana. More power to you. Don’t forget na merong Cesar Montano na nagsu-support sa iyo, si Buboy. Love you, men. Happy birthday. God bless!”

Birthday greeting video ni Cesar noong 2018 na nagviral:

Like Logo on Facebook

Mabilis naging kontrobersiyal at nag-viral noon ang pagbati ni Cesar kay kagawad Chris dahil nirecord ito gamit ang Facebook Live at hindi namalayan ng aktor na nahagip ng cellphone camera niya ang isang hubad na babae sa likuran.

Sa animo re-enactment video ng pagbati ni Cesar kay Dolly Anne. Halos walang itong pinagkaiba sa naunang kontrobersiyal na video, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nakahuband ang babae sa background na tinawag ni Cesar para bumati rin kay Dolly Anne.

Re-enactment birthday greeting video 2020:

Like Logo on Facebook

“Huwag mong kakalimutan na mayroong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng iyong safety and good health, ‘yan! I love you, BFF Dolly!” ani Cesar.

Sabay turo sa kanyang likuran kung saan naroon ang isang babae.

“BFF, ‘yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?”

“Kakabihis ko lang. Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!” Tugon naman ng babae.

“Next time, ‘yung isa kong talent na available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon. Love you, BFF Dolly Anne. God bless you and your entire family. We love you!” Dagdag pa ni Cesar.

Nag-whacky face pa ang babaeng kasama ni Cesar at ang naging reaksiyon nito ang kumpirmasyon na siya nga ang misteryosong babae na nakahubad sa viral clip na pinagpistahan noong 2018.

Ayon sa isang ulat, Maria Socorro, o kilala rin bilang Kat, ang pangalan ng babaeng kasama ni Cesar.

Matatandaan noong September 2018 ay tuluyang pinawalang-bisa ng korte ang kasal ni Cesar sa aktres na si Sunshine Cruz.

Si Cesar at Sunshine ay ikinasal noong 2000. Mayroong tatlong anak na babae sina Sunshine at ang aktor. Sa ngayon ay masaya si Sunshine sa relasyon nila ng kanyang nobyo na si Macky Mathay.

Ang paglantad ni Kat sa video ang isang patunay na hindi na nila inililihim ni Cesar ang kanilang pagsasama.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral."

Buzz

"Ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo. Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo."

Buzz

Celebrate your wins, no matter how big or small.

World

Viral ang larawan ng maglola matapos umani ng simpatya sa mga netizen