Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Alice Dixson Nagbigay ng Eksklusibong Tour Sa kanyang Bonggang Boracay Beach House

“This weekend, I’m sharing with you exclusively what my 2nd home is like… Curious ba kayo?”

A A A

Sa kanyang pinaka huling vlog, nagbigay ng eksklusibong virtual tour si Alice Dixson sa kanyang napakabonggang beach house sa Boracay.

Pinasilip ng celebrity ang magagandang sulok ng kanyang bahay kasama na ang kanilang swimming pool, kusina, guest’s room, master bedroom, at ang napakagandang view ng Boracay beach mula sa kanilang balkonahe.

Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Alice na sa kabila ng kanyang pagiging celebrity, tinuturing nya ang kanyang sarili na isang pribadong tao. Kaya pag nagbabahagi siya ng maliliit na detalye ng kanyang buhay, napaka personal nito para sa kanya.

Ayon pa kay Alice, bihira lamang siya tumanggap ng interview sa kanilang bahay, at dalawang beses lang siya pumayag pero napakatagal na nito.

Aniya, sa wakas pagbibigyan nya ang mga fans sa kanilang matagal nang hinihiling, ang masilip ang kanyang beach house sa Boracay.

“This weekend, I’m sharing with you exclusively what my 2nd home is like… Curious ba kayo?”

Tunghayan ang virtual tour ni Alice Dixson sa kanyang beach house sa Boracay.

Like Logo on Facebook

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

Ibinahagi ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang isang home tour sa kanilang bagong bahay.