Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

5-Anyos Na Bata Pinabayaang Mag-Cellphone, Umorder Ng Sandamakmak Na Pagkain

Mommies at Daddies, iwasang ipahawak ang cellphone sa mga chikiting!

A A A

Laking gulat ng mga magulang ng isang 5-taong gulang na bata sa General Santos City nang biglang may dumating sa bahay nila na food delivery service dala ang sandamakmak na pagkain na inorder ng bata online.

Agad na ibinahagi ni Angelito Respecia noong Septyembre 4 ang ilang larawan ng pangyayari na may kalakip na caption, “When he borrowed your phone and suddenly food panda came knocking at your door.”

Kuwento ni Angelito sa panayam ng GMA, hiniram lang daw saglit ng kanilang anak na si Gab-Gab ang isa nilang cellphone habang abala sila ng asawang si Michelle sa mga gawaing bahay.

Wala umano silang kamalay-malay na nag-order na pala si Gab-Gab ng pagkain online. Na-shock na lamang sila nang biglang kumatok sa bahay nila ang delivery rider ng Food Panda dala ang sandamakmak na pagkain na inorder ng paslit.

Kitang kita sa resibo na ibinahagi rin ni Angelito sa Facebook ang listahan ng mga pagkaing inorder ni Gab-Gab na umabot sa halagang P1,145.90.

Ang nakakatuwa pa dito, mapapansin sa resibo na gumamit pa si Gab-Gab ng voucher at naka-discount ito ng P190.

Ilan sa mga inorder ng bata ang tatlong teriyaki chicken, walong sweet and spicy chicken, dalawang bihon guisado, dalawang buko juice, at isang cappuccino shake.

Makikita sa larawan na pinost ni Angelito na tila sobrang ‘guilty’ ang bata sa kanyang ‘kasalanang’ nagawa.

Hinala ng mga magulang ni Gab-Gab, baka ginaya raw sila ng bata dahil nakikita umano sila nito kung paano umorder ng pagkain online gamit ang cellphone at ang delivery app na naka-save rito.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagdesisyon ang magulang ng bata na i-uninstall na ang mga food delivery apps sa kanilang cellphone para hindi na maulit ang nangyari.

Maraming netizen ang natuwa sa ginawa ng 5-anyos na bata, kaya mabilis na nagviral ang post ni Angelito na umani agad ng 31,000 reactions, 7,300 comments, at mahigit 20,000 shares.

When he borrowed your phone and suddenly food panda came knocking at your door 😳

Posted by Angelito Respecia on Thursday, September 3, 2020

Kaya mga Mommies at Daddies, iwasang ipahawak ang cellphone sa mga chikiting ng walang patnubay.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Higit sa Tawag ng Tungkulin"

Trending

Maraming ang natuwa sa ginawa ng mga pulis at patunay raw ito na marami pa rin ang matitino at mababait sa hanay ng PNP.

Trending

Nagtaka pa raw si nanay nang may nagdeliver sa kanya ng maliit na box. Wala naman daw siya matatandaang inorder na ganoon kalaki.