- Sasampahan ng kaso ng Meralco ang isang netizen na nagpost di umano ng ₱1.7 million bill na hindi naman pala sa kanya.
- Ayon sa pahayag ng Meralco, “Fake News” ang nagviral na post ng isang netizen tungkol sa kanyang bill sa kuryente.
- Napag-alaman na ang bill ay pag-aari pala ng SMDC na may 1,000 service units.
Babala sa mga mahilig magpost ng kung ano anong fake news sa social media. Magsilbi sanang aral ang sinapit ng isang netizen matapos magpost ng gawa gawang kwento sa social media.
Magsasampa ng kaso ang Meralco sa isang netizen matapos itong tahasang mag-post na ang bill nya raw sa kuryente ay umabot sa tumataginting na ₱1.7 million.
Nakuha pa umanong magbiro ng netizen na ipapasara raw niya ang kanilang bahay sa laki ng kanilang electric bill.
Ayon sa ulat, napag-alaman na ang bill pala na inangkin ng netizen na sa kanya raw, ay pag-aari pala ng corporate account ng SM Development Corporation o SMDC.
Kaya naman pala umabot sa 1.7 million ang nasabing bill dahil mayroon itong 1,000 service units at hindi isang residential unit lamang.
Paliwanag ng Meralco, napaka-imposible raw na umabot ng milyon ang electric bill ng isang ordinaryong konsumidor lamang kaya huwag basta basta maniwala sa kung ano anong “fake news” na kumakalat sa social media.
Binura na umano ng netizen ang nasabing post matapos maglabas ng pahayag na hindi raw 1.7 million ang bill nila kundi 1,700 pesos lamang.
Determinado ang naturang kompanya na magsampa ng kasong Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances under Article 154 of the Revised Penal Code, Online Libel.
Maliban dito, may paglabag din umano sa Section 6 ng Republic Act No. 10175 o mas kilala sa tawag na Anti-Cybercrime Law.
“There is never a right time especially now that we are in a very challenging situation to be a purveyor of fake news and to spread malicious content online, when we should be united in fighting a pandemic. Spreading misinformation at the expense of others puts the public at risk and even hamper operations of critical institutions such as Meralco.”
– Atty. William Pamintuan, SVP at Head ng Legal and Corporate Governance ng Meralco.
Payo pa ng Meralco, huwag na huwag raw magpo-post ng bills online dahil posibleng maibahagi ninyo ang inyong mga sensitibong impormasyon nang hindi nyo namamalayan.
Dagdag ng mga eksperto, posible din raw itong gamitin ng mga masasamang loob sa mga malisyosong transaction tulad ng budol budol at online scam.